Vhong Navarro, isiniwalat ang bahagi ng kanyang buhay na gusto niyang iwasto

by Jojo Gabinete
Aug 2, 2018

Nabahiran ng lungkot ang tono ng boses ni Vhong Navarro nang sagutin nito sa presscon ng Unli Life ngayong Huwebes ng gabi, August 2, ang tanong tungkol sa bahagi ng kanyang nakaraan na gusto niyang iwasto.


Ipinagluluksa pa ni Vhong ang pagkawala ng kanyang ama na si Danilo Navarro noong January 2018 kaya hindi siya nahirapan sa pag-iisip ng isasagot.

Sabi ni Vhong, "Kung may babalikan ka, kasi nakatakda na yun, mangyayari at mangyayari.

"Para sa akin, ang gusto ko lang balikan, yung time na nabubuhay pa ang daddy ko.

"Si Daddy, nawala noong January.

"Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, sana yung mga nakaraang taon, sana araw-araw ko pa siyang nakasama para araw-araw ako akong nasa tabi niya, para siguro...

"Kung yun ba ay talagang mangyayari, parang gusto ko pa siya na nakikita para mas mahaba pa yung bonding namin."

Ramdam pa rin sa boses ni Vhong ang pangungulila sa kanyang pumanaw na ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamantala rin ni Vhong ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya, lalo na sa panahong may mga pagsubok siya na pinagdaraanan.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga naniwala, nagdasal, kasi hindi ko ito makakayanan mag-isa kung wala yung mga tao tumulong.

"Tulad ng sinabi ko kanina, nakatakda lahat ito.

"May mangyayari at may mangyayari at kailangan kong tanggapin lahat yun.

"Basta ang pananampalataya ko, hindi ako naliligaw.

"Kung talagang maraming pagsubok ang darating sa iyo, lahat naman ng ito, tsina-challenge tayo ng Panginoon.

"Kung bibitaw ka, talo ka.

"Pero kung malagpasan mo ito, mas maganda ang ibabalik Niya sa iyo kaya dapat yung faith natin na hindi mawawala.

"Marami sa atin, alam natin na lalapit tayo sa kanila para humingi ng tulong, pero nakakalimutan natin na magpasalamat.

"Kaya siguro naging matatag ako sa mga panahon na yun dahil hindi ako nakalimot sa Kanya,: ang mula sa pusong pahayag ng lead actor ng Unli Life, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa August 15.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results