Nagpakita ang 'Tiya Nena' ni James Blanco dahil sa injury

by Jojo Gabinete
Aug 5, 2018

“Malapit nang mawala si Tiya Nena,” ang pabiro na sabi ni James Blanco tungkol sa kanyang belly fat na resulta ng matagal na hindi niya pagpunta sa gym.


Napunit ang rotator cuff ni James dahil sa intense boxing exercises niya kaya surgery ang solusyon na sinabi sa kanya ng doktor.

Continue reading below ↓

Supposedly, ooperahan si James noong January pero hindi natuloy ang procedure nang magpunta siya sa New Zealand dahil nakatulong ang cold climate para gumaling ang kanyang napunit na rotator cuff.

“Eight months bago gumaling ang torn rotator cuff ko kaya bawal muna ako na mag-boxing for one year. Medyo matagal ako na hindi nakabalik sa gym kaya si Tiya Nena, nagpakita,” ang update na ibinigay ni James tungkol sa kundisyon niya na matagal na nagpahirap sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
James Blanco, cabinet files
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results