Hindi pala si Female Showbiz Personality ang third party sa relasyon nina Aktor at Aktres

A case of mistaken identity. Biktima ng maling akala at walang katotohanan na tsismis ang female showbiz personality na pinagbintangan na third party sa relasyon ng aktor at aktres.


Hinusgahan at nakatikim ng masasakit na salita mula sa fans at supporters ng showbiz couple ang female showbiz personality na hindi sumagot sa kanyang detractors dahil ayaw niya na nasasangkot sa mga gulo.

Besides, naniniwala ang female showbiz personality na walang dahilan para magpaliwanag siya dahil salat sa katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanya at mas mahalaga na malinis ang konsiyensiya niya.

Kung nag-imbestiga na mabuti ang karelasyon ng aktor, malalaman niya na isang baguhan na aktres at hindi ang female showbiz personality ang third party sa love affair nila.

Alam ng production staff ang katotohanan dahil saksi sila sa madalas na pagpunta ng newcomer actress sa dressing room ng aktor pero nanahimik sila para hindi na lumaki ang gulo.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN