After AnneKulit, maibibigay na ni Anne Curtis ang gusto ni Erwan Heussaff

by Jojo Gabinete
Aug 5, 2018

Tiniyak ni Anne Curtis na matutuloy na ang honeymoon nila ni Erwan Heussaff, isang taon matapos na ikasal sila noong November 12, 2017 sa Thurlby Domain, Queenstown. New Zealand.

Tatapusin muna ni Anne ang mga commitment niya tulad ng AnneKulit, ang kanyang 21st anniversary concert sa August 18, sa Smart-Araneta Coliseum bago sila pumunta ni Erwan sa South Africa.

“After this concert, I think mas kokonti na yung schedule ko. It will be more on Showtime na lang muna ang hihingin ko and then, of course we will go on our honeymoon in November.

“We’re going to South Africa. We’re very excited because it will be a long leave kasi one year bago mag-honeymoon, pinagbigyan niya ako so I will give this to him naman,” ang sabi ni Anne na nagpapasalamat dahil supportive si Erwan sa propesyon niya.



Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

“He's very understanding of [my] work. He’s also a very busy person pero I think that’s just who Erwan is. He’s a very, very understanding man and he supports my career. Just the same, I support him, that’s why we match and we really just hit it off ‘coz we support and understand each other so nagwo-work talaga.”

Postscript. Habang papunta si Anne sa presscon ng AnneKulit sa B Hotel noong Sabado, August 4, nakatanggap siya ng text message mula kay Erwan na nagtanong ng “When will I have to get a dinner with you, just the two of us?”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results