Sarah Geronimo, hindi naniniwala sa kasabihang "magmahal ka pero magtira ka"

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2018

Sa intimate presscon para sa pinagbibidahan niyang pelikula, ang Miss Granny, kahapon, August 7, tinanong ng Cabinet Files si Sarah Geronimo kung paano binago ng pag-ibig ang mga pananaw niya sa buhay.

Mabilis ang naging sagot ng 30-anyos na singer-actress, na karelasyon ngayon ang actor-singer na si Matteo Guidicelli.


Continue reading below ↓

Sabi ni Sarah, "Sa pag-ibig, ibigay mo ang lahat na hindi ibig sabihin you will lose yourself in the process.

"Mahirap sabihin na magmahal ka pero magtira ka. Parang hindi ako naniniwala doon.

"Ibigay mo yung buong puso mo, pero maging ready ka rin sa mga puwedeng mangyari.

"Ang importante, at the end of the day, alam mo sa sarili mo na hindi ka naging maramot.

"Alam mong naging sincere ka, naging tapat ka, so walang pagsisisi."

Nagsalita rin si Sarah tungkol sa malaking pagpapahalaga niya sa kanyang pamilya.

Saad niya, “Kapag hindi kumpleto ang pamilya, kapag may hindi maayos diyan, malungkot pa rin.

"Hindi yung fame, hindi yung fortune.

"Hindi yun ang success, hindi yun ang makakapagbigay ng happiness sa iyo.

"Yung unity, yung love na meron kayo ng pamilya mo, sa mga kaibigan, oo, okey iyan.

"Medyo magkakalabuan nang konti, pero kapag pamilya, iyan ang bumubuo sa iyo, kaya kapag may problema diyan, para kang pilay."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results