Vice Ganda, pinatutsadahan ang fans ng love teams

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2018

Ang tigilan na ang bashing ang mensahe ni Vice Ganda sa fans na hindi tanggap ang mga ipinapareha sa kanilang mga iniidolong artista.


"Tigil-tigilan niyo na nga iyang bash-bash na iyan, ‘no! Ang cheap-cheap ng kaba-bash niyo.

"Mga ViceJack, mga ViceRylle, mga Jhice Babies, mga kung anu-anong kahit anong love team na lang bina-bash, ang cheap-cheap!

Continue reading below ↓

"Nakakabobo na iyang mga bash-bash na iyan. Love, love na lang tayong lahat," ang reaksyon ni Vice sa Friday (August 10) episode ng It’s Showtime.

Napag-usapan ng mga host ng noontime show ng ABS-CBN ang isyu tungkol sa bashing dahil ipinaalaala ni Anne Curtis kina Vice at Jhong Hilario ang love team noon ng dalawa.

"Nandiyan ang ViceJack fans, baka i-bash na naman ako," sagot ni Jhong sa sinabi ni Anne.

Kaya nagbitaw si Vice ng opinyon nito tungkol sa bashing na ginawa nang bisyo ng fans na nagdidikta sa mga dapat makapareha ng mga artistang hinahangaan nila.

Naging topic ng mga host ng It’s Showtime ang mga love team dahil ngayong Sabado, August 11, ang 42nd birthday ni Jhong Hilario.

Kaya sinabi nila kay Vice na hindi ito puwedeng mawala sa birthday presentation ng original love team niya sa kanilang noontime show.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results