Kylie Verzosa, gaganap bilang female superhero na si Osyana

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2018

Opisyal na ipinakilala si Miss International 2016 Kylie Verzosa bilang Osyana sa HistoryCon na nagaganap ngayon sa World Trade Center, Pasay City.

Si Osyana ang unang female superhero character ng Epik Studios.

Bilang sea siren, may kapangyarihan si Osyana na maging tubig, kontrolin at protektahan ang karagatan laban sa mga kaaway.


Continue reading below ↓

Nagpapasalamat si Kylie dahil siya ang napili ng Epik Studios para magbigay-buhay kay Osyana sa fantasy movie na gagawin niya sa 2019.

"Ako si Osyana, isa siyang Badjao woman from the south. Very Pinoy character siya at first woman superhero character ng Epik Studios.

"I'm super thankful, super honored. It's my dream role and ire-represent ko ang Filipino woman.

"This movie is about women empowerment, pagpapakita ng lakas ng isang babae, hindi lamang para sa pamilya pero sa buong society," ang paliwanag ni Kylie tungkol sa karakter na gagampanan niya.

Seksing-seksi si Kylie sa kanyang Osyana costume na unang nasilayan ng publiko sa HistoryCon.

May approval ng former beauty queen ang design ng costume na tinutukan niya at nagkaroon ng maraming beses na fitting.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results