Kate Valdez, pinayuhang kumuha ng magaling na make-up artist

Ang fashion designer na si Jazel Sy ang gagawa ng gown na gagamitin ni Kate Valdez sa debut party nito sa August 21, na magaganap sa isang undisclosed events place sa Quezon City.


May personal na dahilan kaya hindi isinasapubliko ang exact location ng venue ng birthday party ng stunning Kapuso actress.

Hands-on si Kate sa pag-aasikaso sa 18th birthday party niya na katuparan ng matagal na pangarap na magkaroon siya ng memorable at grand celebration.

"When I was 10 or 12, kinukuwentuhan ako ng mom ko, 'Alam mo ba, anak, noong debut ko, ang saya-saya ko, ganito yung experience ko, ito yung gown ko.'

"Ako naman, 'Paano kaya pag nag-18 na ako in the future? Ano kayang celebration ang gagawin?'

"Ngayong ako na, iba yung feeling talaga, may pressure," kuwento ni Kate.

Pumunta pa siya sa isang beach resort sa San Juan, Batangas para sa pre-debut photo and video shoot.


Postscript: Nagpasalamat si Kate sa entertainment writers na pinayuhan siyang maghanap ng mahusay na make-up artist dahil masyadong matapang ang mukha niya sa teaser ng Onanay ng GMA-7.

In person, napakaganda ng mukha ni Kate, na unang napansin sa television remake ng Encantadia, kaya hindi makatarungan kung hindi lilitaw sa Onanay ang natural beauty niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN