Xian Lim, hindi totoong banned sa ABS-CBN shows

Ang isyung wala siya sa mga promo guesting ng Miss Granny sa mga programa ng ABS-CBN ang sinagot ni Xian Lim nang makausap siya ng entertainment press sa Viva Films office ngayong tanghali, August 17.


Posibleng nagtaka at naging sensitive lang ang mga nagtatanong dahil hindi kasama si Xian nang mag-promote sina Sarah Geronimo at James Reid ng Miss Granny sa It's Showtime noong Miyerkules, August 15.

Nakalimutan nila na guest siya sa ASAP noong Linggo.

Last night, August 16, nag-promote naman sina Xian at James ng Miss Granny sa talk show ni Boy Abunda, isang patunay na walang katotohanan ang intrigang banned siya sa mga programa ng ABS-CBN.

Kahit binigyan ng ibang kahulugan na hindi siya kasama nina Sarah at James sa It's Showtime guesting, naniniwala si Xian na walang isyu sa pagitan niya at ng ABS-CBN management.

Paliwanag ni Xian, "I got the messages sa IG and Twitter account ko, 'tapos I was wondering bakit ang dami kong messages.

"I didn't know what was going on, so when I opened it, I was tagged to a couple of guestings.

"A couple were saying na parang they're wondering, mostly supporters ni Sarah Geronimo and supporters din ni James Reid.

"They're wondering, asan daw ako, I'm also part of Miss Granny.

"Some are worried and some are mad. Bakit ko raw iniwanan yung dalawa sa ere?"

Patuloy niya, "I think it was just right for me to reply na I didn't know.

"I mean, in respect sa mga nagtatanong, they do deserve an answer to it.

"Sabi ko, 'I didn't know about the guesting. I didn't know about any of that. Thank you for tagging me, pero yun, hindi ko po alam.'

"Wala naman po siguro problema sa network.

"I mean, nakapag-promote naman ako sa ASAP. Just last night, we were at Tonight with Boy Abunda, so I don't know.

"But for me, I just explained sa mga itinatanong nila.

"I was also wondering, kami naghihintay lang kami to be advised."

Postscript: Sa August 22 pa ang playdate ng Miss Granny sa mga sinehan, hindi pa tapos ang promo period ng pelikula.

Kaya hindi fair na sabihin na hindi welcome si Xian sa mga programa ng Kapamilya Network dahil nag-guest na nga siya sa ASAP at Tonight with Boy Abunda.

Read: Is Xian Lim not allowed to appear on ABS-CBN shows?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN