Malditang aktres, nagmaganda, natsugi sa top-rating primetime show

Hindi na napapanood sa isang television series ang aktres na maangas sa kanyang mga co-star at ayaw na ayaw na nasasaktan sa mga eksena niya.

Pinagpahinga na ang karakter na ginagampanan ng aktres dahil sa kanyang tumitindi na attitude problem at hindi maayos na pakikisama sa co-stars at sa production staff ng programa.

Maraming beses na “nagmaganda” ang aktres sa set ng primetime show pero hindi pinalampas ng mga writer ng show ang mga pagmamaldita niya.

Ang mga writer ng show ang gumanti para sa mga artista at production crew na mga biktima ng pang-aapi ng aktres.

Kung matalas ang pakiramdam ng pasaway na aktres, matutunugan nito na para talaga sa kanya ang mga matataray na dialogue ng mga kasama niya sa eksena.

Patama sa pangit na ugali ng aktres ang harap-harapan at on-cam na mga panglalait na linya na binibitawan ng kanyang co-stars sa karakter niya sa television series na nabigyan ng extension dahil sa mataas na rating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close