Aktor, agaw-pansin ang banat na banat na mukha

Agaw-pansin sa birthday celebration ni Mother Lily Monteverde noong Linggo, August 19, ang aktor na malaki ang ipinagbago ng hitsura.


Parang nag-alburoto at pinagwelgahan ng facial expression ang aktor na banat na banat ang mukha kaya tila nahihirapan siyang ngumiti at magsalita.

Bata pa ang aktor kaya napakaaga pa para magparetoke siya ng mukha na imbes na makatulong, nakasira sa physical appearance niya.

Higit sa lahat, walang problema sa mukha ang aktor kung ikukumpara sa dilemma ni Xander Ford bago ito sumailalim noon sa complete transformation.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN