Hindi lamang sina Nico Santos at Kris Aquino ang mga Pilipino na cast members ng Crazy Rich Asians.
May special participation din sa pelikula ang Malaysia-based jazz singer-actress na si Junji Delfino.
Si Junji ang gumanap na maid ni Astrid Leong-Teo, ang karakter sa Crazy Rich Asians ng British-Chinese actress na si Gemma Chan.
Split seconds lang ang participation ni Junji kaya hindi siya napansin ng mga kaibigan at kamag-anak sa kanyang eksena.
“You guys must’ve been blinking hellava lot!!!! I warned you not to blink!
"If it helps jog your memory... I looked like this.
"The scene was in Astrid’s condo, just after she came home from shopping!
"It comes on somewhere between 15-20 minutes into the film," ang tip na ibinigay ni Junji para hindi ma-miss ng kanyang mga kakilala ang brief exposure niya sa Crazy Rich Asians.
Kahit maliit lamang ang role ni Junji, kasama ang pangalan niya sa end credits ng pelikula.
Nauna pa ang pangalan ni Junji sa billing ng pangalan ni Kris dahil in order of appearance ang closing credits kaya, in jest, sinabi niyang “I beat Kris Aquino in credit placement.”
Bukod sa small part niya sa Crazy Rich Asians, napanood si Junji sa Ang Panahon ng Halimaw, ang pelikula ni Piolo Pascual na mula sa direksyon ni Lav Diaz.
Trivia: Hindi si Junji ang unang Pilipina na gumanap na maid sa isang Hollywood movie.
Noong 1989, gumawa ng ingay sa Pilipinas ang pangalan ni Corazon Adams, ang Pinay na ginampanan ang karakter ni Consuela, ang maid ni Tom Selleck sa Her Alibi na pinagbidahan ng American actor at ng ex-supermodel na si Paulina Porizkova.
Napansin ng mga Pilipino si Consuela dahil sa Tagalog lines niya sa Her Alibi.