Regine Velasquez, lilipat na talaga sa ABS-CBN?

by Jojo Gabinete
Aug 26, 2018

Ang The Clash na magtatapos sa September 30 ang possible last television show ni Regine Velasquez sa GMA-7 dahil sa mga balita na diumano, hindi na siya magre-renew ng kontrata sa GMA Network Inc. at matutuloy na ang paglipat niya sa ABS-CBN.


Ang Sarap Diva ang Saturday morning show ni Regine sa Kapuso Network mula pa noong October 2012.

Continue reading below ↓

Reportedly, tatapusin na lamang ni Regine ang taping ng remaining episode(s) ng Sarap Diva dahil nagpaalam na siya sa production staff ng kanyang cooking show.

Maraming beses nang napabalita noon na lilipat si Regine sa ABS-CBN pero hindi natuloy. Naunahan pa siya ni Ogie Alcasid na talent na ng Kapamilya Network mula pa noong 2017 at regular na napapanood sa It’s Showtime at Home Sweetie Home.

This time, ayon sa source ng Cabinet Files, malaki ang posibilidad na sundan ni Regine si Ogie sa ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results