Burol ng Queen of Soul na si Aretha Franklin, mala-Die Beautiful

by Jojo Gabinete
Aug 28, 2018

Maikukumpara sa mga eksena ng Die Beautiful ang burol para sa Queen of Soul na si Aretha Franklin, na sumakabilang-buhay noong August 16, 2018 dahil sa pancreatic cancer.

Sa Die Beautiful, iba’t-iba ang hitsura at damit ni Trisha Echevarria sa burol niya.

Si Trisha ang karakter na ginampanan ni Paolo Ballesteros sa critically-acclaimed at award-winning movie ni Jun Lana.


Continue reading below ↓

Nagsimula ang unang araw ng public viewing para sa labi ni Franklin noong Martes (Wednesday morning, August 29, Philippine time) sa Charles H. Wright Museum of African American History sa Detroit, Michigan, US.

Sa litrato na inilabas ng Detroit Free Press at ng Associated Press, custom-designed beaded earrings, 5-inch Christian Louboutin patent leather pumps na katerno ng kanyang ruby red dress na lace ang materyal ang outfit ng 76-year-old American singer na nakahimlay sa 14-carat gold plated Promethean open casket.


Continue reading below ↓


Dahil itinuturing siyang Queen of Soul, fit for a queen ang lamay para kay Aretha dahil iba’t ibang damit ang isusuot sa kanya hanggang sa libing niya, na magaganap sa Biyernes, August 31, sa Woodlawn Cemetery, Detroit, Michigan.

"It’s a surprise. Just natural changes in wardrobe that a queen would make.

Continue reading below ↓

"She is presented in a way that reflects her life and legacy.

"She is, indeed, resplendent in repose, as a queen should be," pahayag sa Detroit Free Press ni Linda Swanson, ang executive vice president ng Swanson Funeral Home na family friend ng mga Franklin at nag-aasikaso sa funeral ng pumanaw na Queen of Soul.

Kilala si Aretha sa pagiging glamorosa, mahilig sa mga alahas at damit na magaganda noong nabubuhay pa siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results