Pepe Herrera, hindi naiinsulto kapag sinasabihan siyang "pangit"

by Jojo Gabinete
Sep 1, 2018

Umabot sa seven drafts ang script ng The Hopeful Romantic kaya hindi agad nasimulan ng direktor na si Topel Lee at ng writers na sina Joma Labayen at Easy Ferrer ang shooting ng sex-comedy movie na pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Ritz Azul.


Inumpisahan nina Joma at Easy ang pagsusulat ng script ng The Hopeful Romantic noong November 2017, nagsimula ang shooting noong May 2018 at natapos noong July 30.

Continue reading below ↓

Bukod sa scriptwriter ng The Hopeful Romantic, si Easy ang assistant director ng project.

Naging matapat siya sa pagsasabing inspirasyon nila ang box-office success ng Kita Kita, ang sleeper hit movie nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi, kaya sina Ritz at Pepe ang napili na mga bida ng pelikula.

Meanwhile, tanggap ni Pepe na ikinukumpara ang physical look niya sa hitsura ni Empoy at hindi ito problema sa kanya.

Hindi rin naiinsulto si Pepe kapag sinasabi ng mga tao na "pangit" siya.

"Hindi po ako madaling ma-offend, huwag kayong mag-alala.

"Puwede po kayong magsabi ng mga salita na panget… inutil.

"Masaya po ako in general kasi ang ibig sabihin lang po noon para sa akin, mas lumalawak na po ang mga pang-unawa ng manonood.

"Mas tumatalino ang taste ng audience," pahayag ni Pepe nang hingin ang opinyon nito tungkol sa pagbibida sa pelikula ng mga tao na katulad niya ang hitsura.

Continue reading below ↓

Postscript: Overwhelmed sina Pepe at Ritz dahil sa organic 6.7 million hits ng full trailer ng The Hopeful Romantic, isang strong indication na interesado ang mga tao sa pelikula nila.

Kahit sex comedy ang The Hopeful Romantic, umaasa ang Regal Entertainment, Inc. producers na PG-13 ang classification na ibibigay ng MTRCB sa Pepe-Ritz starrer.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results