Ai-Ai delas Alas, walang alam sa balitang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2018

Naririnig at nababasa ni Ai-Ai delas Alas ang mga balitang lilipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN, pero hindi nila napag-uusapan ang isyu sa tuwing may taping sila para sa The Clash, ang singing competition ng GMA-7.


Dahil magkaibigan ang dalawa at magkasama sa isang programa, tinatanong din si Ai-Ai ng mga nakakausap niya tungkol sa rumored network transfer ni Regine.

Continue reading below ↓

Consistent ang kanyang sagot na, "Wala akong alam. Hindi namin napag-uusapan at hintayin na lang natin na siya ang magsalita."

Imbes na magbigay ng komento tungkol sa isyung kinasasangkutan ng ibang tao, mas gusto ni Ai-Ai na pag-usapan ang mataas na ratings noong weekend ng mga programa na kinabibilangan niya—ang Sunday PinaSaya at The Clash.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"God is so good dahil parehong mataas ang rating ng show namin," sabi ni Ai-Ai.

Malabo namang matsismis na lilipat si Ai-Ai sa ibang television network dahil, ayon sa kanya, maligayang-maligaya siya sa GMA 7.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results