Jolo Revilla, emosyunal pa rin sa breakup nila ni Jodi Sta. Maria

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2018

Supposedly, ang kanyang ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria ang leading lady ni Jolo Revilla sa 72 Hours, isa sa tatlong episode ng trilogy movie na Tres, ang comeback movie ng Imus Productions sa mainstream.

Pero hindi natuloy ang plano dahil nagkaroon ng conflict sa schedule ng aktres.


Continue reading below ↓

Nevertheless, si Jodi ang nagrekomenda kay Jolo na kunin nito si Rhian Ramos bilang replacement niya.

Matagal ang relasyon nina Jolo at Jodi kaya hindi naiwasang mapag-usapan ang breakup nila sa solo presscon ng Imus Productions para sa incumbent vice governor ng lalawigan ng Cavite na naganap sa isang restaurant sa Quezon City ngayong tanghali, September 4.

Ayaw sana ni Jolo na magsalita pero pinagbigyan pa rin niya ang mahigpit at maayos na hiling ng entertainment press na magbigay siya ng maigsing pahayag tungkol sa kanyang ex-girlfriend.

"All I can say is that I have the highest respect for her and her family and… I will treasure everything," sabi ni Jolo, na nabasag ang boses at pinigilan ang pagtulo ng luha.

Sinundan niya ito ng pakiusap na, "Siguro, ibalato niyo na lang sa akin."

Hindi lamang ang pangalan ni Jodi ang nabanggit sa presscon para kay Jolo dahil pinag-usapan din ang kanyang former girlfriend na si Lovi Poe, na may special participation sa 72 Hours.

Continue reading below ↓

"Nag-cameo si Lovi," pahayag ni Jolo.

Pero tumanggi siyang mag-elaborate tungkol sa karakter na ginampanan ng dating karelasyon sa 72 Hours.

Si Jolo ang personal na nakipag-usap kay Lovi, na pumayag agad dahil nanatili silang magkaibigan, kahit humantong sa hiwalayan ang relasyon nila noon.

"Ako mismo ang nakipag-usap sa kanya. We’re friends, we’re good friends.

"Nag-uusap naman kami ni Lovi.

"Masarap naman siya katrabaho. She’s very jolly."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results