Sino ang mga gustong makatrabaho ni Rayver Cruz sa kanyang pagbabalik-Kapuso?

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2018

Sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Janine Gutierrez, Heart Evangelista, at ang kanyang kapatid na si Rodjun Cruz ang ilan sa Kapuso stars na gustong makatrabaho ni Rayver Cruz sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 makalipas ang 18 taon.


Sa exclusive interview kay Rayver sa 24 Oras ng GMA News reporter na si Nelson Canlas, sinabi ng aktor na Marimar days pa lang ni Marian, pinapanood na niya sa telebisyon ang misis ni Dingdong.

Continue reading below ↓

"It’s a new beginning for me. Fresh start," ang reaksiyon naman ni Rayver tungkol sa desisyon niyang bumalik sa Kapuso Network.

Idinagdag ni Rayver na bago pa sila nagkakilala ni Janine, may option na siyang lumipat sa GMA-7.

Excited na rin si Rayver na mag-drama at gumanap sa mga challenging role na kailangan niyang pag-aralang mabuti.

Huling napanood si Rayver sa GMA 7 bilang child actor sa Kiss Muna, ang sitcom nina Joey de Leon, Ara Mina, Elizabeth Oropesa, at Jomari Yllana noong 2000.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results