Preggy Nathalie Hart, may busangot moments sa shooting ng Abay Babes

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2018

Nag-apologize kay Nathalie Hart ang direktor na si Don Cuaresma sa presscon ng Abay Babes ng Viva Films na naganap sa isang events place sa Quezon City ngayong hapon, September 6.


Hindi alam ni Don at ng ibang mga artista ng Abay Babes na buntis si Natalie nang umpisahan at nang matapos nila ang shooting ng pelikula.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Don na kung alam lang nito ang kalagayan ni Nathalie, hindi niya ipinagawa sa aktres ang mabibigat na eksena sa Abay Babes.

"Hindi ko alam na buntis pala siya noon. Nagsimula at natapos [ang shooting], wala siyang sinabihan.

"Si Cristine [Reyes] pala, alam niya, hindi siya nag-share sa amin.

"Kaya pala may mga busangot moments siya.

"Tinatanong ko nga si Roxanne [Barcelo], 'O, ano ba, akala ko bati na kayo? Charing! Akala ko meron na naman kayong away.'

"Saka yung ala-singko ng madaling-araw, tumatakbo pa siya. Hindi ko alam, I’m sorry, hindi ko alam.

"It's on the script, wala akong magagawa.

"Propesyunal siya. Para hindi siya ma-late, nagga-Grab siya.

"'Nasaan na si Nathalie?' Naliligaw raw yung Grab driver.

"Sa susunod na araw, naka-tricycle siya," kuwento ni Don tungkol sa professionalism na ipinamalas ni Nathalie sa shooting ng Abay Babes.

Ayon naman kay Nathalie, hindi niya ipinagtapat kay Don ang kanyang kalagayan para hindi siya bigyan ng special treatment sa set.

Continue reading below ↓

"Yung time na nag-shoot kami, medyo mainit ang ulo ko talaga.

"Kung may na-offend man, sorry na lang, but ayoko rin na ibahin yung trato nila sa akin.

"Gusto ko pare-pareho pa rin, kung ano yung pumasok ako doon, ganoon pa rin ang dapat na itrato sa akin," katuwiran ni Nathalie, na nakatakdang magsilang ng baby girl sa January 2019.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results