Pepe Herrera, ang next Rene Requiestas?

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2018

“He’s my new Rene Requiestas,” ang sabi ni Regal Entertainment Inc. producer Mother Lily Monteverde tungkol kay Pepe Herrera, ang lead actor ng My Hopeful Romantic, ang sex comedy movie na mapapanood sa mga sinehan simula sa September 12.

Si Rene ang naalaala ni Mother Lily nang magkita sila noon ni Pepe sa unang pagkakataon dahil may resemblance ang physical appearance ng dalawa.

Continue reading below ↓

Halos apatnapu ang bilang ng mga pelikula na nagawa ni Rene noong nabubuhay pa siya.

Kung magiging mapalad si Pepe, may posibilidad na mapantayan niya ang record ni Rene kapag nagtuluy-tuloy ang kanyang pagbibida sa mga pelikula at tatangkilikin ito ng moviegoers.

Nakilala si Rene nang gumanap siya bilang sidekick ni Joey de Leon sa mga blockbuster movie nito.

Si Pepe ang sidekick ni Coco Martin sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN at dito siya nakilala nang husto ng televiewers.

Marami ang nagulat at nalungkot nang magpaalam si Pepe sa Ang Probinsyano.

Sa presscon ng The Hopeful Romantic, ipinagtapat ni Pepe na ang pagkakaroon niya ng asthmatic lungs ang dahilan ng kanyang biglaan na pag-alis sa top rating primetime television series ng Kapamilya Network.

Bata pa si Pepe nang mamayagpag ang acting career ni Rene noong 1988 hanggang 1992.

Ironically, gaya ni Pepe, nagkaroon din si Rene ng sakit sa baga.

Continue reading below ↓

As a matter of fact, tuberculosis ang ikinamatay ni Rene sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City noong July 24, 1993.

Gabi ng July 23 nang dalawin namin si Rene sa kuwarto nito sa St. Luke’s Medical Center at dito namin nasaksihan ang literal na pagsusuka niya ng isang balde ng dugo.

Rookie columnist pa kami noon ng People’s Tonight at dahil malubha na noon ang kalagayan ni Rene, ang hintayin ang pagpanaw niya ang assignment na ibinigay sa amin ng editor-in-chief.

Noon namin na na-realize na hindi madali ang propesyon na aming pinasok at labag man sa kalooban, kailangan namin na maging insensitive sa nakaamba na pagdadalamhati ng pamilya ni Rene, sa ngalan ng scoop news.

Ang pagpanaw ni Rene ang biggest news ng People’s Tonight noong July 24, 1993.

Bandang alas-sais ng umaga nang mamatay si Rene at tapos na ang printing ng mga kopya ng diyaryo, pero napilitan ang editorial staff na maglabas ng second edition dahil mainit at malaking balita ang pagpanaw ng komedyante.

Continue reading below ↓

Sold-out noon ang mga kopya ng People’s Tonight at kahit nakatisod kami ng exclusive story, hindi kami natuwa at may naramdaman kaming guilt.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results