Eric Quizon, tumangging maging hurado sa ToFarm Film Festival

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2018

Inimbitahan si Eric Quizon ng organizer ng 3rd ToFarm Film Festival bilang isa sa mga hurado ng filmfest na mag-uumpisa sa Miyerkules, September 12, pero tumanggi ang actor-director.


May valid reason si Eric na pinairal ang delicadeza dahil may pelikulang kasali sa 3rd ToFarm Festival ang kanyang kapatid na si Epy Quizon, ang Alimuom.

Continue reading below ↓

Official entry din sa 3rd ToFarm Film Festival ang Sol Searching na mula sa panulat at direksyon ni Roman Perez Jr., ang assistant director ni Eric sa mga pelikula at television series.


Pokwang and director Roman Perez

Si Roman sana ang assistant director ni Eric sa bagong movie assignment nito sa Regal Entertainment, Inc., ang One Great Love na tinatampukan nina Kim Chiu at Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

Nagpaalam si Roman kay Eric na hindi niya matatanggap ang project dahil nakasentro ang atensiyon at panahon niya sa Sol Searching.

Sina Pokwang at Joey Marquez ang mga bida sa Sol Searching, na tumagal lamang ng walong araw ang shooting kaya taus-puso ang pasasalamat ni Roman sa kooperasyon na ibinigay ng kanyang mga artista.

"Napaka-professional nila. Si Pokwang ang pinakamaaga na dumarating sa set.

"Ang idea ko sana para sa Sol Searching, mula sa teatro ang lahat ng mga artista na kukunin ko.

"Pero mas mabilis na pumayag si Pokwang na tanggapin ang pelikula na comeback project niya pagkatapos manganak.

"Happy ako dahil bagong klase ng comedy ang Sol Searching at ibang klase ang atake ni Pokwang sa role niya.

"Halos wala siyang bayad sa pelikula at si Lee [O'Brian, Pokwang’s boyfriend], hindi nagpabayad sa participation niya sa Sol Searching," ang mga anekdota ni Roman tungkol sa pelikula niya na official entry sa 3rd ToFarm Festival.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results