Nathalie Hart at Ronnie Liang, hindi kilala ang ka-threesome sa Abay Babes

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2018

Strange but true.

May orgy scene sina Nathalie Hart at Ronnie Liang sa Abay Babes, pero sa kabila ng maselang eksena na kanilang ginawa, hindi matandaan ng dalawa ang pangalan ng lalaking kasama nila na mag-threesome sa sexy-comedy movie ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan simula sa September 19.

Continue reading below ↓
Nathalie Hart & Ronnie Liang
 IMAGE Noel Orsal / File

Parehong hindi kilala nina Nathalie at Ronnie ang mystery guy na co-star nila sa orgy scene.

"Hindi ko kilala," sagot ni Nathalie.

"I think new artist from Viva Artists Agency," hindi naman siguradong reaksyon ni Ronnie.

Hindi na baguhan si Ronnie sa threesome scene dahil ginawa na niya ang similar scene sa Esoterika, ang indie movie na nagbigay sa kanya ng best actor nomination sa New York Film Festival at best actor award sa Gawad Pasado.

"Intense" ang description ni Ronnie sa orgy scene nila ni Nathalie at ng newcomer actor.

Hindi malilimutan ni Ronnie ang sinabi ni Nathalie kay Don Cuaresma, ang direktor ng Abay Babes, pagkatapos kunan ang intense at sizzling scene—hindi na siya gagawa uli ng ganoong eksena.

Buntis na si Nathalie nang gawin nito ang orgy scene, pero ayon kay Ronnie, hindi niya napansin ang kalagayan ng sexy actress.

"Professional actress si Nathalie. Hindi ko alam na buntis na pala siya nang gawin namin yung eksena dahil napakaganda at sexy niya.

Continue reading below ↓

"Hindi talaga papasok sa isip mo na buntis siya.

"Nung nalaman ko na buntis na pala siya noon, mas lalo kong naintindihan kung bakit sinabi niya na hindi na siya gagawa ng ganoong eksena.

"Nasabi ko rin na kung sino man ang boyfriend niya, mapalad siya," kuwento ni Ronnie tungkol kay Nathalie.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results