Marco Gumabao, umaming nilagyan ng pipino ang hinaharap para magmukhang malaki

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2018

Nahiya si Marco Gumabao sa sarili dahil sa reaksiyon ng audience nang ipakita ang eksenang umahon siya mula sa swimming pool.

Topless at black swimming trunk ang suot ni Marco sa eksena, pero bakat na bakat ang kakaibang size ng private part niya kaya nagtawanan ang audience na dumalo sa red-carpet premiere ng Abay Babes na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall kagabi, September 17.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Ang Abay Babes ang unang mapapanood sa mga sinehan simula bukas, September 19, sa apat na movie projects ni Marco sa Viva Films.

Ang iba pa ay ang Para sa Broken Hearted, ang Metro Manila Film Festival entry na Aurora, at ang Ulan na pinagtatambalan nila ni Nadine Lustre pero sa 2019 pa ang release.

Sa presscon ng Para sa Broken Hearted ngayong tanghali, September 18, inamin ni Marco na nilagyan ng pipino ang kanyang harap para magmukha siyang well-endowed sa pool scene niya sa Abay Babes.

"Nahiya ako," sabi ni Marco nang mapag-usapan ang kanyang eksena sa Abay Babes.

"Siyempre, hindi totoo yun. Joke-joke na lang.

"Nilagyan ng cucumber kasi comedy, e.

"Okey lang naman, walang problema. It’s for the movie, di ba?

"At least natawa kayo, yun naman talaga ang point namin. Kailangan sobrang exaggerated."

Ano ang nangyari sa pipino pagkatapos ng shooting?

"May kumain. Hahaha! Joke! Hindi ko alam," pabirong sagot ni Marco.

Continue reading below ↓

Umamin ang Viva artist na nakakatanggap siya ng mga indecent proposal sa social media pero hindi sa personal.

Sinabi rin ni Marco na hindi siya naiinsulto sa mga naughty comment na nababasa niya sa kanyang mga social media account.

"Sa personal, walang indecent proposals. Siguro nahihiya sila sa akin.

"Marami sa Instagram, pero I don't count that as indecent proposal.

"Actually, kapag nagpu-post ako ng picture na naka-topless, marami ang nagko-comment na nakakatawa.

"Ako naman, I look at it as a good thing also.

"Hindi ko napi-feel na nababastos ako because ipinost ko, e. I-expect ko na may comments na ganoon.

"Happy ako na na-appreciate nila," pahayag ni Marco, na malawak ang pag-iisip tungkol sa mga naughty comment ng mga netizen sa mga sexy pictorial niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results