Robin Padilla, binisita ang mga biktima ng bagyong Ompong sa Baguio

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2018

Malapit sa puso ni Robin Padilla ang Baguio City dahil dito siya lumaki.

Ang Baguio City ang isa sa mga sinalanta ni Super Typhoon Ompong noong Sabado, September 15, kaya umakyat sa Pines City ang action superstar para maghatid ng tulong, tingnan ang pinsala na iniwan ng malakas na bagyo, at magbigay ng moral support sa mga kababayan natin na naapektuhan ng kalamidad.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Nag-ikot ngayon sa Baguio City si Robin at siya mismo ang nagmamaneho sa sasakyan niya habang binibisita ang mga lugar na napinsala ni Super Typhoon Ompong.

Nakikiisa si Robin sa panalangin na huwag umaraw sa Baguio City para hindi tumigas ang lupa dahil sa pag-asang buhay pa ang mga biktima ng landslide.

Umaasa si Robin na "rescue" at hindi "retrieval of bodies" ang mangyayari sa patuloy na paghahanap ng mga kinauukulan at volunteer workers sa mga biktima na natabunan ng lupa sa mountainside village ng Baguio City.

Sa panayam kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, anim ang casualties ni Super Typhoon Ompong sa siyudad nila, tatlo pa ang nawawala at patuloy na hinahanap.

Pinaghandaan ng pamahalaan ng Baguio City ang pagdating ng kalamidad pero wala silang nagawa sa hindi inaasahang landslide na kumitil sa buhay ng anim na tao.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Robin Padilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results