Male singer, ibinulgar ang panloloko ng misis niya sa sikat na singer-actress

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2018

Pinag-iisipang mabuti ng male singer kung iiwan at hihiwalayan na niya ang asawa na nagbigay sa kanya ng maraming problema.

Inirereklamo ng male singer na nawala ang lahat ng mga ari-ariang naipundar niya dahil niloko siya ng kanyang asawa at ng pamilya nito.

Ipinagtapat din ng male singer na apat na taon siyang hindi kinausap ng kanyang kumare na sikat na singer-actress dahil nadamay siya sa scam na ginawa ng asawa niya.

Continue reading below ↓

"Kapal ng mukha n’yo! Four years akong hindi kinausap ng kumare ko dahil akala niya, kasama ako sa scam n’yo!

"Tandaan n’yo, lahat kayo kumita except for me who delivered to you my innocent kumare.

"Sumagot kayo! Magkano kinita n’yo sa kumare ko!

"Ang gulang n’yo. Ang masakit, ginamit n’yo ako!!! Kapal ng mukha n’yo!" ang mga panunumbat ng male singer sa misis niya.

Ikinuwento ng male singer na siya ang pinakiusapan ng asawa niya para maibenta nito sa singer-actress ang limang lote sa Cavite na lingid sa kanyang kaalaman, mga informal settler ang naninirahan.

"Isoli n’yo lahat ng perang kinita n’yo sa sales ng lupa. Kapal ng mukha n’yo," ang apela ng male singer sa asawa niya at sa pamilya nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results