Kailangan bang ibalik ang Encantadia para ipantapat ulit sa Ang Probinsyano?

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2018

Nakiayon si Glaiza de Castro sa opinyon ng Cabinet Files na "It’s payback time" ang special participation ng apat na Sang’gre ng Encantadia sa Victor Magtanggol, ang prime-time telefantasya ni Alden Richards sa GMA-7.

 IMAGE Glaiza de Castro Instagram

"Para sa akin, it’s a way of thank you kay Alden kasi tinulungan niya kami sa first weeks ng Encantadia [noong 2016].

Continue reading below ↓

"Payback time, kumbaga, alam ko na darating at darating ang punto na magkakatrabaho kami.

"Na kakailanganin kami sa istorya. Na papasok kami dahil, in a way, may connection.

"Masaya ako na, finally, nangyari na siya," sabi ni Glaiza nang makausap siya ng Cabinet Files sa presscon ng Liway.

Pumantay noon ang Encantadia sa Ang Probinsyano, ang top-rating action drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN, kaya itinanong namin kay Glaiza kung naniniwala ba siyang dapat nang ibalik ng GMA-7 ang telefantasya program nila nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Sagot niya, "Hindi ko masabi. Sa ngayon, ang daming naka-line up na show ng GMA-7.

"I think okey rin na magbigay ng ibang flavor sa prime time.

"I think, interesting ang mga stories na naka-line up sa GMA ngayon.

"Pagkatapos ng first generation ng Encantadia, it took ten years para mangyari uli siya, so hindi ko ini-expect na mangyayari siya anytime soon.

Continue reading below ↓

"Kaya nung nag-uusap kami ng mga Sang’gre, sabi ko, 'Naku, baka mamaya kung mangyari uli yung Encantadia ten years from now, forty na ako. Baka mamaya guest role na lang ako.'"

Hindi masabi ni Glaiza ang itatagal ng special participation ng Encantadia stars sa Victor Magtanggol, pero good for one week ang mga eksena nilang kinunan.

Sa palagay ni Glaiza, matatapos ang kanyang tapings para sa Victor Magtanggol bago siya bumiyahe sa London kaya hindi magkakaroon ng conflict sa schedule niya.

Pupunta si Glaiza sa London sa September 27 para maghanap ng music school na papasukan niya at nagpaalam na siya sa Kapuso Network management.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results