Janella Salvador, "bumalik" na sa ina niyang si Jenine Desiderio

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2018

Ipinagdiriwang ni Jenine Desiderio ang kaarawan niya ngayong araw, September 23.

Isa ito sa pinakamasaya sa buhay niya dahil maayos na uli ang relasyon nila ng kanyang anak na si Janella Salvador.

 IMAGE Mark Atienza / Jenine Desiderio Facebook

Without going into details, kinumpirma ni Jenine na "bumalik" na si Janella sa kanya.

Continue reading below ↓

"A very happy birthday to me! The best birthday gift I received is having my daughter back.

"Dun pa lang quota na ko but God is so generous that he also restored some friendships I lost in the recent," ang good news na ibinahagi ngayon ni Jenine sa kanyang mga kaibigan sa Facebook.

Continue reading below ↓

Marami ang natuwa sa pagkakasundo nina Jenine at Janella, isang patunay na nagkaroon man sila ng mga hindi pagkakaunawaan, maningibabaw pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa at tunay na walang magulang na makakatiis sa anak niya.

Noong nakaraang buwan, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Jenine at hindi namin makakalimutan ang kanyang pahayag na ito:

"Inspite of all that happened, I believe my daughter, in her heart of hearts, is still good. Dami lang kasi wrong influences immediately around her manipulating her."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results