KathNiel, dinumog ng Pinoy at Vietnamese fans sa Vietnam

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2018

Successful ang international screening ng The Hows of Us sa BHD Cineplex Thao Dien Vincom Megamall sa Ho Chi Minh City, Vietnam, kahapon, September 23.

Personal itong dinaluhan ng mga bida ng pelikula na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

 IMAGE Courtesy of Mico del Rosario

Unang pinuntahan ng dalawa ang special screening ng kanilang blockbuster movie sa Jakarta, Indonesia noong Sabado bago sila lumipad sa Vietnam.

Continue reading below ↓

Nhung Hows Cua Chung Toi ang Vietnamese title ng pelikula nina Kathryn at Daniel na kapwa sikat sa Vietnam.

Dalawang beses na pinarangalan ang KathNiel bilang Face of the Year Favorite Foreign TV Actress and Actor sa Blue Star Awards, isa sa mga kilalang award-giving body ng naturang bansa

As expected, dinumog sina Kathryn at Daniel ng Pinoy at Vietnamese fans nila.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of Mico del Rosario

Pero ayon sa Cabinet Files source, pinakiusapan ng meet-and-greet organizer ang KathNiel fans na mag-tone down o huwag masyadong mag-ingay bilang respeto kay Vietnamese President Tran Dai Quang.

Nagluluksa ang mamamayan ng Vietnam dahil sa biglang pagpanaw ni President Tran Dai Quang noong Biyernes, September 21, 2018.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results