Nathalie Hart, hindi tanggap ang kapatid niyang transgender woman?

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2018

Liberated at palaban ang image ng sexy actress at soon-to-be mother na si Nathalie Hart, isa sa mga bida ng Abay Babes ng Viva Films.

Kaya hindi kami makapaniwalang hindi niya tanggap ang kanyang 23-year-old transgender woman sibling na si Bella Pedere Snell.

Si Bella ay isa sa mga finalist sa 1st Miss Transgender Global Australia na magaganap sa Sydney sa October 1.

Continue reading below ↓

"Unfortunately, no po," sagot ni Bella nang kumustahin namin ang relasyon nila ni Nathalie.

"I don’t know... siguro she’s just shocked. I’m happy naman, pero I hope for the acceptance.

"We have different personality and we don’t get along well. Same parents kami pero we say hi and hello.

"Me and Princess [Nathalie’s real name] are not really close but, basically, she supports me in everything… in my pageant.

"I’m wearing her gown that she actually wore in the red carpet of her movie Siphayo," kuwento ni Bella tungkol sa kanyang popular sister at sa kanilang estranged relationship.

Nag-come out si Bella bilang transgender woman, dalawang taon na ang nakararaan, tatlong taon na siyang naninirahan sa Sydney at nagtatrabaho bilang fashion advisor sa H&M.

Umaasa si Bella na mananalo siya sa transgender beauty pageant na sinalihan para maisulong niya ang kanyang advocacy.

"I have an advocacy that I wanna fulfill after this competition.

Continue reading below ↓

"Win or lose, I want the people to be aware about anxiety, depression,mental illness, and the increasing suicide rates among the members of the LGBTQ community.

"I feel like I have to do something about it. I would like to be the voice of everyone," sabi ni Bella.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Nathalie Hart
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results