Pananakit ng aktor sa girlfriend na aktres, dalawang beses nang nangyari

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2018

Dalawang beses nang biktima ng pananakit ang aktres ng kanyang boyfriend na aktor.

Unang nangyari ang pananakit noong June 2018 dahil nainis ang aktor nang sitahin ng aktres ang pag-inom niya ng alak.

Nagkaroon ng pasa sa mukha ang aktres pero hindi nahalata dahil natakpan ng makeup.

Lasing na naman ang aktor nang muling maganap ang pananakit niya sa kanyang girlfriend.

Continue reading below ↓

Nang unang mangyari ang pananakit ng aktor sa aktres, namagitan ang mga executive ng talent management agency na namamahala sa kanilang career kaya nagkasundo sila.

Mas matindi ang epekto ng pangalawang beses na pananakit ng aktor sa aktres.

Hanggang ngayon, may bukol pa rin ang aktres sa braso na napuruhan nang sumadsad siya sa sahig dahil itinulak siya ng boyfriend niya.

Hindi pa namamagitan sa problema ng dalawa ang mga in-charge sa kanilang mga career.

May mga future show pa sila na magkasama kaya hindi pa nila ganap na maiiwasan ang isa’t isa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results