Regine Velasquez, makakasama ni Sharon Cuneta sa The Voice ng ABS-CBN sa 2019?

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2018

Genuine ang pagkasorpresa ni Sharon Cuneta sa My 40 Years, ang successful 40th anniversary concert niya sa Smart Araneta Coliseum kagabi, September 28, dahil sa surprise appearance ni Regine Velasquez.

 IMAGE Courtesy of Kim Lo Lee

Nabigla si Sharon at napasigaw ng “Anong ginagawa mo diyan?” nang biglang sumulpot si Regine sa stage at kantahin ang "Friends," ang theme song ng Friends in Love, 1983 movie ng Viva Films na pinagbidahan nila nina Rowell Santiago, Jackie Lou Blanco, at William Martinez.

Continue reading below ↓

Pagkatapos kantahan si Sharon, sinabi ni Regine na natutulala ito at parang si Dorina Pineda (Sharon’s iconic character in the 1985 blockbuster movie Bituing Walang Ningning) ang kanyang pakiramdam dahil gusto niyang sabitan ng sandamakmak na sampaguita ang Megastar.

Ipinaalaala ni Regine kay Sharon na ang kanta nitong "Mr. DJ" ang unang-unang natutunan niya noon at hanggang ngayon, big fan pa rin siya ng singer-actress.

Nagpasalamat si Regine kay Sharon dahil inspirasyon ito ng maraming tao.

Ilang linggo nang isyu ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN.

Ang makahulugang pahayag ni Sharon na "Next year, we have surprises for you" ang nagbigay sa karamihan ng idea na may bahid ng katotohanan ang mga balitang ang The Voice ang unang television show ng Asia’s Songbird kapag lumipat na ito sa Kapamilya Network.

Si Sharon ang isa sa mga coach ng The Voice Kids.

Trivia: Fan at struggling singer pa lang si Regine Velasquez nang gawin ni Sharon Cuneta ang Friends in Love noong 1982 dahil hindi pa siya sumasali sa Ang Bagong Kampeon, ang singing competition show sa RPN-9 nina Pilita Corrales at ng namayapang comedian-TV host na si Bert Marcelo.

Continue reading below ↓

Ang "This Time I’ll Be Sweeter" duet ni Sharon at ng American singer na si Angela Bofill ang isa sa mga highlight ng mga eksena sa Friends in Love.

Kasikatan noon ni Angela na pumayag na magkaroon ng special guesting sa pelikula ni Sharon na ipinalabas sa mga sinehan noong January 13, 1983.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results