Aktres na pinaratangang ahas, biktima ng maling bintang

Biktima ng mistaken identity ang mabait na aktres na pinaratangang "ahas" sa relasyon ng aktor at ng girlfriend nito.

Umani ng mga batikos at nilait nang husto ang pagkatao ng aktres dahil siya ang inakusahang secret girlfriend ng aktor.

Imbes na ipagtanggol ang sarili, minabuti ng aktres na tumahimik dahil kapag nagsalita ito, tiyak na magkakaroon ng malaking eskandalo dahil ibang babae at hindi siya ang kinababaliwan ng aktor.

Nadagdagan ang respeto at paghanga namin sa aktres dahil ipinaliwanag nito na kung aaminin niya ang katotohanan, may relasyong mawawasak at showbiz career na masisira.

Dumanas ng mental at emotional stress ang aktres, pero nagbunga nang maganda ang pagtitiis at ang tahimik na pagdurusa niya.

Nakilala ng aktres kung sino ang kanyang mga tunay na kaibigan at hindi siya nawalan ng mga assignment dahil ang production staff na saksi sa buong pangyayari ang nagpatunay na inosente siya sa kasalananng ibinibintang laban sa kanya.

Good karma.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN