Edu Manzano, inspirasyon ng Ang Probinsyano viewer na may cancer

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2018

Touching at heartwarming ang kuwento tungkol sa isang Instagram follower ni Edu Manzano na may karamdaman pero kaligayahan na niyang mapanood ang aktor sa Ang Probinsyano, kahit kontrabidang-kontrabida ang role bilang Vice President Lucas Cabrera.

 IMAGE Noel Orsal

Dahil sa sobrang paghanga, hindi natiis ng IG follower na magpadala kay Edu ng mensahe na nakaapekto, hindi lamang sa kanya kundi sa lahat ng nakabasa ng kuwento niya.

Continue reading below ↓

"Sir, galing! Kahit inis ako sa’yo sa Ang Probinsyano, nakaka-good vibes ka naman. Lagi akong nanonood ng Ang Probinsyano.

"Baka sa Iwant TV ko kayo mapanood next week kasi 2nd chemo ko sa Lunes pero i-try ko manood sa TV kung kakayanin ko. Salamat po."

May mga napaluha sa mensahe kay Edu ng IG follower na hindi na namin babanggitin ang pangalan, pero tiyak na nakumpleto ang kaligayahan nang makatanggap siya ng sagot mula sa aktor na nagpahayag ng kalungkutan sa kapalaran niya.

"I’m sorry to hear you’re not well. Continue praying and I’m sure, malalagpasan mo yan.Take care," sagot ni Edu.

Inalam ng aktor ang Viber account ng IG follower na humingi ng paumanhin dahil Instagram at Facebook account lamang ang meron siya.

"Salamat po sir. Sisikapin ko manood sa TV para masaya kasi kasama ko manood ang papa ko sa sala. Salamat po sa pagpapasaya," nakakaantig sa puso na pasasalamat kay Edu ng IG follower niya.

Continue reading below ↓

Isa lamang ang IG follower na may kanser sa maraming taong hindi kilala ni Edu nang personal, pero binibigyan nito ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagsagot sa mga komento na natatanggap niya.

May mga tagahanga na gumagawa pa ng tula para kay Edu, na itinuturing nilang inspirasyon dahil sa mga wacky video na ipinu-post sa social media at nagpapasaya sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results