Alfred Vargas, handa na bang maglingkod muli para sa last term as congressman?

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2018

Kung empleyado ang asawa ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas na si Yasmine, isa siya sa makikinabang sa Expanded Maternity Leave Bill dahil ipinagbubuntis niya ang third child nila na isisilang sa January 2019.

Si Alfred ang principal author ng Expanded Maternity Bill o ang 120 days maternity leave with pay at additional 30 days para sa mga solo working mother.

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy of GMA Netwokr

Muling kakandidato si Alfred sa May 2019 elections at kung papalarin, ito na ang huling term ng paglilingkod niya bilang congressman ng District V ng Quezon City.

Nang manalo siya para sa naturang posisyon noong 2013, gumawa si Alfred ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang kongresista ng District V ng siyudad.

Continue reading below ↓
 IMAGE Alfred Vargas Instagram

“I have this reinvigorated passion to serve because of family life.

“Kami ni Yasmine, our two girls are growing up 'tapos she’s six months pregnant with a baby boy.

“Nakaka-inspire lang kasi yung request ko kay God to have a baby boy, He granted it.

“This is probably our last baby.

“Kaya ngayon as a family man, I try to address the concern of the people from a family man’s point of view,” sabi ni Alfred na nagkaroon ng realization na ang public service ang passion niya at pangalawa na lang ang pag-arte.

Six months pregnant ang misis ni Alfred at ayon sa aktor, iba’t ibang klaseng pagkain ang napaglilihian ni Yasmine.

“Minsan pasta, Italian food, minsan halo-halo.

“Last time, nag-crave siya ng chocolate-filled croissant so naghanap pa ako mga gabi na, after dinner.

“Ang ending, nakabili ako sa isang mall.

Continue reading below ↓

“Hindi siya naging masungit.Yung first two babies, ako pinaglihian niya.

“Ngayon, yung bunso yata namin ang pinaglilihian niya.

“Lagi niyang gusto na katabi sa bed, hina-hug niya. Gusto niya kina-cuddle niya.”

Plano ni Alfred na mag-file ng certificate of candidacy niya sa October 16, 2:30 PM dahil 7 at 23 ang lucky numbers nila ni Yasmine.

July 23, 2016 nang mag-propose si Alfred kay Yasmine ng church wedding at naganap ito sa Manila Cathedral noong July 23, 2017.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results