Aktres, tinakasan ang reporters na gustong ma-interview siya

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2018

"Magpapalit lang ng damit dahil natatapakan ang laylayan ng gown na suot" ang brilliant alibi ng aktres sa entertainment writers na lumapit sa kanya para interbyuhin siya sa presscon ng television series na tinatampukan niya.

Hindi na bumalik ang aktres, kaya lalong nabuo ang hinalang umiiwas siyang magpainterbyu at nilalayuan na niya ang mga dating kaibigan.

Continue reading below ↓

Ang traumatic experience, tatlong taon na ang nakalilipas, ang nag-iisang dahilan na naisip ng concerned friends ng aktres sa biglang pagbabago ng ugali nito.

Nakakatanggap ang aktres ng mga pagbabanta sa kaligtasan niya dahil malaking pera ang sangkot sa problema na kanyang kinasasangkutan.

Mula nang makatanggap ng grave threats ang aktres, papalit-palit na ito ng cellphone number, hindi niya ipinapaalam ang kanyang home address, at hindi na siya tumatapak sa mga lugar na madalas puntahan.

Deactivated na rin ang kanyang mga social media account.

Ang balitang nasa paligid lamang at naghihintay ng pagkakataong "makabawi" ang taong iniiwasan ang suspetsa ng mga kaibigan ng aktres kaya lalo itong naging elusive.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results