Aktres, pilit na pilit ang pagngiti sa fans sa premiere ng pelikula

May isang aktres na sinuportahan ang premiere ng pelikulang Wild & Free sa SM Megamall kagabi, October 9.

Naawa kami sa fans na paulit-ulit ang pagtawag sa pangalan ng aktres na nakatalikod sa kanila, hindi nag-aksaya ng panahon na lumingon at i-acknowledge ang pagbati nila.

Dahil hinihingi ng pagkakataon, napilitan ang aktres na humarap sa fans, pero pilit na pilit ang kanyang pagkaway sa mga pobreng tagahanga na imposibleng hindi naramdaman ang kaplastikan niya.

Walang kamalay-malay ang aktres na pinagmamasdan namin ang kanyang mga kilos.

Ang magaspang na ugali na ipinamalas ng aktres ang spot on na sagot sa matagal nang tanong kung bakit hanggang ngayon, starlet pa rin ang kategorya niya sa showbiz kahit hindi siya nawawalan ng mga television assignment.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN