Award-winning actress, depressed dahil sa kawalan ng trabaho sa TV at pelikula

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2018

Nakararanas ng depression ang award-winning actress dahil sa kawalan ng mga movie at television project.

Madalas na umiiyak ang aktres sa kanyang mga kaibigan dahil nararamdaman na niya ang "economic pinch" at ang dahan-dahang pagkaubos ng pera na naipon noong sikat na sikat pa siya.

Nakadagdag din sa depression ng aktres ang mga utang na lumalaki habang tumatagal dahil sa interes at sa isang miyembro ng kanyang pamilya na may problema.

Continue reading below ↓

Generous to a fault ang aktres kaya masakit sa kanya kapag hindi siya nakakapagbigay ng financial help sa pamilya niya.

Sana, mabigyan uli ang aktres ng bagong oportunidad para malutas at mabawasan ang financial woes niya.

May mga pagkukulang ang aktres noong kasikatan nito dahil sa mga problemang ibinigay niya sa mga kasamahan sa trabaho.

Pero kung mabibigyan muli ng pagkakataon, baka sakaling natuto na siya mula sa kanyang mga karanasan.

Matagal nang walang mga project sa telebisyon at pelikula ang aktres, pero active siya sa social media kaya ang akala ng lahat, maayos na maayos ang sitwasyon niya, na kabaligtaran sa mga nangyayari sa kanyang personal life.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results