Magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz, magkakahiwalay na

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2018

May nararamdaman nang lungkot si Rayver Cruz dahil sa nalalapit na pag-alis ng kanyang kapatid na si Rodjun sa bahay nila sa Parañaque City.

Rodjun Cruz & Rayver Cruz
 IMAGE Rayver Cruz Instagram

Magkasamang lumaki at nagkaisip ang dalawa, pero lilipat na si Rodjun sa bahay sa Fairview, Quezon City, na ipinagawa nila ng kanyang fiancée na si Dianne Medina na pakakasalan niya sa December 2019.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Rayver na malaking adjustment ang gagawin niya dahil nasanay na siyang kasama sa bahay ang kapatid na supportive sa kanyang career, lalo na nang lumipat siya sa GMA Network Inc.

Ikinuwento ni Rayver na si Rodjun pa ang nagpu-post sa social media account nito ng mga guesting niya sa mga programa ng GMA-7.

View this post on Instagram

�?��?�???�??��??��??? #TonightwithArnoldClavio

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

Itinuturing ni Rayver na masuwerte ang sarili dahil dalawa agad ang regular program niya sa Kapuso Network mula nang lumipat siya noong nakaraang buwan, ang Sunday night musical-variety show na Studio 7 at ang afternoon drama series na Asawa Ko, Karibal Ko na mag-uumpisa sa October 22.

"Alam ko na may mga show for me, pero hindi ko ini-expect na ganito kaganda at pareho na gusto kong gawin dahil maipapakita ko ang mga talent ko sa pagsayaw at pag-arte," sabi ni Rayver.

Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang taping ni Rayver para sa Asawa Ko, Karibal Ko at para sa taping ng dalawang episodes ng Studio 7 ang araw ng Huwebes, every other week, kaya walang conflict sa schedule niya.

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ni Rayver ang Asawa Ko, Karibal Ko dahil kahit sensitive ang topic, malawak na ang pang-unawa ng halos lahat sa isyu ng gender equality.

Bilib na bilib si Rayver kay Jason Abalos dahil nagampanan nito nang mahusay ang role ng isang transgender woman sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Kung sa kanya raw inialok ang naturang karakter, tatanggapin din niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results