Magpatibay ng loob ang gagawin ni incumbent Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa nalalapit na pagsabak niya sa mayoral race sa Quezon City dahil alam niyang matindi ang siraan sa mundo ng pulitika.

Pahayag niya, "Alam ko na ang pulitika sa bansa natin medyo madumi, pero ang mahalagay ay ang goal natin na manalo para maglingkod.
"We have to hurdle certain storms in order to get to a quiet place where we can really serve the people.
Nagpapasalamat si Belmonte dahil hindi nawawala ang tiwala sa kanya ng taumbayan.
Nailuklok siya bilang bise alkalde ng Quezon City mula pa noong 2010 kaya ngayong kakandidato siyang mayor, ipinangako niya ang taus-pusong pagsisilbi sa bayan.
Ang biological father ni Ara Mina na si Chuck Mathay ang isa sa mga kalaban ni Belmonte sa mayoral race sa Quezon City.
Pero sa pagkakaalam niya, may mga magpa-file pa ng certificate of candidacy para sa naturang puwesto.
Nagkaroon noon ng haka-hakang tatakbo rin si Willie Revillame bilang mayor ng Quezon City at ayon kay Belmonte, walang katotohanan ang balita dahil pinabulaanan ito ng Wowowin host.
Two months ago, nasangkot si Belmonte sa isang isyung wala siyang kinalaman, ang tweet ni Kris Aquino na patungkol sa kanila ng pamilya niya at ang banta ng former TV host na kakandidato itong mayor ng QC dahil sa isang basher na nagsabing publicity stunt lang ang kanyang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Marikina City noong Agosto 2018.
Paglilinaw ni Belmonte, "Si Kris, actually, kaibigan ko mula pa sa pagkabata namin, mula elementary hanggang high school hanggang college. Kami ay magkasama sa school.
"Alam naman ng lahat na yung aming mga magulang din ay malapit sa isa’t isa. Ang nanay ko, bestfriend ng nanay niya.
"Sa tingin ko, hindi totoo na balak niya akong labanan. Hindi totoo yun."
Pinabulaanan din ni Belmonte ang isyu na banned si Kris Aquino sa mga diyaryo ng PhilStar Media Group, ang publication company na pag-aari ng pamilya nila.
"Walang ganoon, walang katotohanan yun, walang katotohanan yun," mata sa matang pagtanggi ni Belmonte tungkol sa pang-iintriga ng ibang tao sa magandang samahan ng mga pamilya ng Belmonte at Aquino.
Nakausap ng Cabinet Files si Belmonte sa Comelec office sa Quezon City.
Sinuportahan ni Belmonte at ng kanyang running-mate na si Gian Carlo Sotto ang filing ni Hero Bautista ng certificate of candidacy nitong Lunes, October 15.
Reelectionist si Bautista bilang konsehal ng 4th District ng Quezon City at miyembro siya ng Team Joy ni Belmonte.
Read: Kris Aquino posts cryptic messages about not allowing herself to be anybody's victim
Read: Joy Belmote apologizes to Kris Aquino; swears she had nothing to do with headline that offended Kris