Janno Gibbs, umalis na kay Perry Lansigan at bumalik sa Viva

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2018

Si Janno Gibbs ang karagdagan sa listahan ng mga contract star ng Viva Artists Agency at nakatakda siya na pumirma ng exclusive contract ngayong araw, October 18, sa Viva office, Tektite Building, Pasig City.

 IMAGE Janno Gibbs Instagram

Magbabalik lamang si Janno sa kanyang dating home studio dahil sa mga pelikulang ginawa niya noon sa Viva Films at mga hit album sa Viva Records.

Continue reading below ↓

Marami ang nagulat sa career move ni Janno dahil sa matagal na panahon, talent siya ng PPL Entertainment Inc., ang talent management agency ni Perry Lansigan.

Nang makausap ng Cabinet Files si Perry, kinumpirma nitong hindi na siya ang manager ni Janno dahil mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang kanilang talent-manager relationship.

Pero maayos umano ang paghihiwalay nila.

Next year, golden boy na si Janno at sa tulong ng Viva Artists Agency, inaasahan na magkakaroon ng panibagong direksyon ang acting at singing career niya.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Janno Gibbs
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results