Aktor, binugbog ng boyfriend ng kanyang ex-wife

by Jojo Gabinete
Oct 19, 2018

May black eye at magang-maga ang mata ng isang aktor nang mag-report ito sa taping ng teleseryeng tinatampukan niya.

Ang dahilan: binugbog siya ng boyfriend ng kanyang ex-wife.

Ang kuwento ng aktor, sinaktan siya ng boyfriend ng dating asawa niya dahil tumanggi siyang manirahan sila sa iisang bahay.

May nirerentahang bahay ang aktor at ang common friend ng ex-wife niya.

Continue reading below ↓

Isang araw, biglang dumating sa bahay ang ex-wife at boyfriend nito para kausapin ang kaibigan na housemate at kaibigan din ng aktor.

Wala sa bahay ang kaibigan, pero sinabi ng ex-wife sa aktor na pumayag na ang housemate nitong sama-sama sila—pati ang boyfriend niya—na manirahan sa isang tahanan.

Hindi pumayag ang aktor na nagalit nang husto dahil sa sobra na ang pang-iinsulto sa pagkalalaki niya.

Ito ang pinag-ugatan ng pananakit sa kanya ng boyfriend ng kanyang ex-wife.

Kahit namamaga ang mukha at may black eye, sumipot sa taping ng teleserye ang aktor, pero natagalan bago nakunan ang kanyang mga eksena.

Para hindi mahalata ang black eye, tinakpan na mabuti ng make-up artist ng programa ang mga pasa sa mukha ng aktor, na ngayon pa lang nakakabangon mula sa pagkakalugmok ng kanyang acting career dahil dumaan siya sa matinding depression.

Mahusay umarte ang aktor na kinamumuhian ng televiewers dahil effective siyang kontrabida sa top-rating television series.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results