Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi, bagong apple of the eye ni Willie Revillame?

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2018

Ang reigning Miss Philippines Earth na si Silvia Celeste Cortesi ba ang bagong "apple of the eye" ni Willie Revillame?

Ang Filipina-Italian beauty queen ang official representative ng Pilipinas sa 18th edition ng Miss Earth na magaganap sa November 3, 2018 sa Mall of Asia Arena.

WOWOWIN CO-HOST

Naging guest co-host si Celeste ng Wowowin at marami ang nakapansin sa sobrang pagkagiliw sa kanya ni Willie. According to a source, nagulat si Celeste nang makatanggap ito ng brand new and expensive cellphone mula kay Willie, na normal na para sa mga co-host at production staff ng Wowowin dahil likas na generous ang popular television host.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Marami ang kinilig sa guesting ni Celeste sa Wowowin dahil game na game siya sa pakikipagpalitan kay Willie ng mga biro.

IS CELESTE GOING TO BE A WOWOWIN CO-HOST?

Nakarating sa amin ang impormasyong malaki ang posibilidad na kunin ni Willie si Celeste bilang wowowin co-host. Hindi nakaligtas sa matalas na paningin at pakiramdam ng audience ang kakaibang sigla ni Willie, na eligible bachelor pero matagal nang walang napapabalitang inspirasyon at karelasyon, kapag kaharap niya ang dalaga.

Continue reading below ↓

Bukod sa balitang magiging co-host ni Willie ang 20-year-old beauty queen, ibinigay ng GMA Network, Inc. management sa Wowowin ang rights ng "Tanghalan ng Kampeon."

Reportedly, ang "Tanghalan ng Kampeon" ang isa sa mga bagong segment na mapapanood sa reformatted Wowowin sa 2019.

Mula 16 hanggang 40 ang edad ng puwedeng sumali sa singing contest ng popular game show ni Willie.

Dalawang milyong piso at brand new house and lot ang ilan sa mga premyong matatanggap ng grand champion ng "Tanghalan ng Kampeon."

At any rate, sa kagustuhan ni Willie na lalong mapaganda ang Wowowin, magkakaroon ng reformat ang programa sa unang buwan ng 2019.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results