Showbiz personality at lover, binayaran ng cash ang P50M property

Hindi ipinagtapat ng isang showbiz personality ang katotohanan tungkol sa property na diumano’y ipinundar niya sa lugar na kilala bilang residential place ng mga mayayaman.

Ang seller ng property na binili ng showbiz personality ang nagkuwento na ang karelasyon nito ang bumili ng ari-ariang nagkakahalaga ng PHP50 million.

In cold cash at hindi tseke ang ibinayad ng karelasyon ng showbiz personality.

Hindi ito ipinagtaka ng property seller dahil naramdaman nitong iniiwasan ng buyer na magkaroon ng paper trail.

May pangalan at reputasyon na pinoprotektahan ang lover ng showbiz personality.

Alam niya na kapag natuklasan ng publiko na hindi totoo na payak ang kanilang pamumuhay at hindi siya pro-poor, malaki ang magiging epekto nito sa kanyang sariling career.

Kahit noon pa man, walang naniniwala sa simple lifestyle ng showbiz personality at ng lover niya dahil active siya sa paglalabas sa social media ng kanyang activities na moneyed persons lamang ang makakagawa.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN