Pia Wurtzbach, muling pinatunayan ang pagkakaroon ng grace under pressure

Gumawa ng kasaysayan si Pia Wurtzbach nang manalo siyang Miss Universe noong 2015.

Kagabi, October 23, muling gumawa ng kasaysayan ang dating beauty queen dahil siya ang ipinakilalang calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2019.

IMAGE Noel Orsal

Ipagdiriwang ng popular Filipino men’s drink ang 185th anniversary nito sa susunod na taon kaya para sa marketing manager na si Ron Molina, perfect calendar girl si Pia dahil ito ang tunay na epitome ng kanilang produkto na may bagong slogan: "Dahil Pilipino ako, matapang ako, Ginebra ako."

Gumawa rin ng kasaysayan si Pia dahil sa kauna-unahang pagkakataon, siya ang celebrity ambassadress ng liquor brand na binigyan ng panorama calendar na isang collector’s item.

Kahit sanay nang humarap sa maraming tao mula nang mapanalunan niya ang Miss Universe 2015 crown, hindi pa rin nawawala ang kaba ni Pia tuwing dumadalo siya sa malalaking event.

Sa grand launch sa kanya bilang calendar girl sa Edsa Shangri-La Hotel, inamin ni Pia ang nerbiyos na nararamdaman, na hindi naman nahalata ng invited guests.

Muling nagpakita si Pia ng grace under pressure habang rumarampa sa massive stage dahil muntik na siyang ma-off balance pero nginitian lamang niya ang insidente.

Para kay Pia, isang malaking karangalan na siya ang napiling calendar girl ng Filipino product na sikat sa buong mundo.

May exclusive contract si Pia sa international modelling agency na IMG at nang matanggap ng mga executive ang offer, pumayag agad sila dahil kilala nila ang produkto.

Para kay Pia, isang karanasan ang pictorial niya para sa calendar dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng swimsuit photo shoot pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe.

"This is an experience I won’t forget since this is the first time I’ve done a swimsuit photo shoot since competing at the Miss Universe pageant," pahayag ni Pia.

May trivia rin si Pia dahil siya ang nanalo ng special award na ibinigay ng Ginebra San Miguel sa Binibining Pilipinas noong 2015.

Nagbiro ang former beauty queen na noon pa man, gusto na talaga siya ng mga tauhan ng kompanya at produkto na kanyang iniendorso.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN