Louise delos Reyes, ready na para sa new movie kahit nagluluksa pa para sa namayapang ama

Pagkatapos ng Para sa Broken Hearted, may bagong movie project si Louise delos Reyes sa Viva Films at kahapon naganap ang look test niya.

IMAGE Noel Orsal

Si Xian Lim ang leading man ni Louise sa pelikula na hindi pa sinasabi ang final title pero mag-uumpisa ang shooting sa November 2018.

Makakatulong ang pelikula na gagawin ni Louise para mabawasan ang kalungkutang nararamdaman niya.

Tahimik na tao at hindi attention-seeker si Louise kaya ang malalapit lang na kaibigan niya ang nakakaalam na naulila siya sa ama noong July 4, 2018.

Kidney failure at mga komplikasyon ang ikinamatay ng tatay ni Louise na si Esteban Cailao Perido, Jr. at nangyari ito habang tinatapos ng aktres ang mga eksena niya para sa Asintado, ang nagwakas na afternoon television series ng ABS-CBN.

Dahil pinahahalagahan ni Louise ang privacy niya, walang nakahalata sa presscon ng Para sa Broken Hearted noong September 18, 2018 na may pinagdaraanan siya.

Mapagmahal at maalaga na anak si Louise sa kanyang mga magulang.

Ginagawa niya ang lahat para makatulong sa pamilya kaya tanggap siya nang tanggap ng mga trabaho.

Naalaala namin noon ang kuwento tungkol kay Louise ng isang Grab driver.

Isinakay raw niya si Louise sa Bonifacio Global City at inihatid sa Ortigas Center, Pasig City.

Namukhaan ng Grab driver si Louise at naawa siya sa aktres na walang alalay na kasama.

Pagod na pagod daw si Louise dahil nakatulog ito nang mahimbing sa sasakyan niya habang bumibiyahe sila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN