Sen. Nancy Binay, nag-imbita sa "black screening" ng "The Nuncy"

by Jojo Gabinete
Oct 29, 2018

Ngayon ang Halloween Trick or Treat sa Senado at agaw-pansin ang poster ng "The NUNCY" ni Senator Nancy Binay.

Inspired ng horror movie na The NUN na certified blockbuster nang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas.

Nang kumandidato si Nancy na senadora noong May 2013, ang kanyang maitim na kulay at walang alam sa pulitika ang ilan sa mga paninira laban sa kanya.

Pero hindi siya nagpaapekto.

Instead, ginamit ni Nancy sa mga kampanya niya noon para sa sariling kapakanan ang mga pang-aalipusta sa kanyang kulay at hindi siya nabigo.

Ngayong Halloween, muling sinakyan ni Nancy ang mga panglalait sa dark complexion nito sa pamamagitan ng caption niya sa poster ng The NUNCY.

"Pag may black, may #Valak.Tara na mga bulilit at feeling-bulilit!

"Invited po kayo sa #blackscreening ng The Nun sa Monday, October 29, and witness the darkest episode in our office-turned-pitch-black-convent dala ang kakaibang conjuring at #TrickOrTreat experience kasama ang mga staff ng Senado.

Continue reading below ↓

"HAPPY HALLOWEEN! Teka, bakit ang puti ko rito?!" ang nagpapaka-komedyanteng caption ni Nancy.

Muling nasa sentro ng kontrobersiya ang pamilya Binay dahil magkalaban sa mayoral race sa Makati City sa midterm elections sa May 2019 ang kanyang mga kakulay na kapatid na sina incumbent Mayor Abby Binay at ousted Mayor Junjun Binay, na kapwa inaakusahang may "maitim" na balak ng kanilang detractors.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results