Viral video ni Cesar Montano, ginawan ng spoof ng ilang netizens

by Jojo Gabinete
Oct 31, 2018

Likas na malikhain ang utak ng mga Pilipino kaya mabilis at madali para sa kanila na gayahin ang controversial viral video ni Cesar Montano, ilang minuto matapos na lumitaw ito at pagpistahan.

Kung hindi magpapaapekto at hindi seseryosohin ni Cesar ang insidente, puwedeng i-claim ng aktor na ang paglitaw ng hubad na babae sa video ang kanyang Halloween story.

Continue reading below ↓

At mapatutunayan ito ni Kagawad Cris Morales ng Sta. Ana, ang recipient ng recorded birthday greeting niya.

Isa sa mga nag-spoof ng viral video ni Cesar ay ang host na si Sam YG at ang radio DJ na si Tony Toni.

Kunwari ay may binabati ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto sa kanilang likuran at may lalaking nagbaba ng pantalon, kaya tumambad ang puwet nito.

At any rate, pang-Halloween ang kuwento tungkol sa pagpapabasbas ng aktres at ng kanyang asawa sa bagong bahay nila dahil sa mga kanilang mga nararamdaman na kakaiba.

"Ipina-exorcise" ang bahay ang another term na ginamit ng nagkuwento tungkol sa pinabasbasan na bahay ng aktres.

Diumano, dalawang bata (hindi hubad na babae) ang lumitaw sa ritual na ginawa sa tahanan ng aktres, pero hindi na ipinaalam sa kanya ang resulta para hindi na manariwa sa isip niya ang depressing situation na pinagdaanan.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Cesar Montano
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results