Pinag-aaralang mabuti ng aktres ang plano niyang sampahan ng kaso ang mga taong pasimuno sa mga walang katotohanang balita na nakakasira sa reputasyon niya at ng kanyang pamilya.

Nakikipag-usap na ang aktres sa abogado para sa legal action nila laban sa mga personalidad na naglagay sa kanya sa kahihiyan.
Masamang-masama ang loob ng aktres dahil ito ang pinararatangang may kasalanan sa isang inimbentong isyu na inosente siya at makakaapekto sa pamilya niya, lalo na sa kanyang mga anak.
Nabulabog ang tahimik na pamumuhay ng aktres dahil sa isang tsismis na, kahit sa panaginip, hindi niya inisip na gagawin o mangyayari.
Ang pagsasampa ng kaso ang naiisip na paraan ng aktres para matukoy kung sino ang mga may pakana ng matitinding paninira sa pagkatao niya.