Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pia Wurtzbach, hindi matutuloy ang cameo sa MMFF movie ni Vice Ganda

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2018

Ang grand launch kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang 2019 calendar girl ng Ginebra San Miguel ang huli at malaking event na dinaluhan niya bago siya lumipad sa London, England para bisitahin ang kanyang kapatid na si Sarah na nakatakda na magsilang ng baby boy.

 IMAGE Noel Orsal

Excited si Pia sa pagkakaroon ng bagong pamangkin dahil ngayon lamang magkakaroon ng baby boy sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Ang hectic schedule at London vacation ni Pia ang dahilan kaya hindi natuloy ang special appearance niya sa Fantastica, ang comedy movie na official entry ni Vice Ganda sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Gusto sana ng production staff ng Fantastica na magkaroon ng cameo role si Pia sa pelikula ni Vice.

Ito ay dahil sa carnival na ginamit na location at ipinatayo nila sa Meycauyan, Bulacan—ang "Perya Wurtzbach, The Happiest Place in the World, the Universe, Rather."

Ang London trip pa rin ni Pia ang dahilan kaya posibleng hindi siya makarating sa grand finals ng 1st Global Asian Model Philippines o GLAM, ang modelling search ng Empire.ph at Mercator Artist and Model Management, Inc.

Sa Huwebes, November 8, ang final show ng 1st GLAM sa Xylo at the Palace, BGC, Taguig City.

Supposedly, kabilang si Pia sa mga mentor ng official candidates ng GLAM, pero malaki ang posibilidad na hindi siya umabot sa grand finals.

Continue reading below ↓

Ang model na si Brent Javier at fashion directors na sina Robby Carmona at Jackie Aquino ang tatlo sa mentors ng 18 female at 10 male candidates ng 1st GLAM.

Ang official representatives ng Pilipinas sa 2018 Manhunt International, Best Model of the World 2018, at GLAM.Ph International ang mga pipiliing winners sa finale night ng 1st GLAM.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results