Ai-Ai delas Alas, birthday wish ang magkaanak; anak ni Alfred Vargas, potential beauty queen

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2018

Dalawang birthday celebrations ang magkasabay na naganap kahapon, November 11—ang kaarawan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ang 7th birthday ni Aryana Cassandra, ang youngest daughter nina Alfred at Yasmine Vargas.

"Golden Ai" ang theme ng birthday party ni Ai-Ai na idinaos sa Chiang Ai Express, ang restaurant niya sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Continue reading below ↓
Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan
 IMAGE Jojo Gabinete

Ang clubhouse naman ng Neopolitan Britanny sa Fairview, Quezon City, ang venue ng pajama-themed birthday party ni Aryana.

“Huminto na ang edad ko sa 50,” ang explanation ni Ai-Ai tungkol sa "Golden Ai" theme ng merienda at dinner party niyang nagsimula ng 3 p.m., pagkatapos ng live show ng Sunday PinaSaya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Sa mga co-star ni Ai-Ai sa Sunday noontime show ng GMA-7, si Alden Richards ang pinakamaagang dumating sa party niya.

Hindi puwedeng ma-miss ni Alden ang birthday celebration ni Ai-Ai dahil isa ito sa mga pinakamalapit sa kanyang puso at itinuturing na pangalawang ina.

Continue reading below ↓
Alden Richards and Ai-Ai delas Alas
 IMAGE Jojo Gabinete

Ang magkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan ang birthday wish ni Ai-Ai kaya desidido silang magkaroon ng anak sa 2019.

Kung may Scarlet Snow sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr., walang nakikitang dahilan si Ai-Ai para hindi matupad ang pangarap nila ni Gerald na magkaroon ng sariling anak.

POTENTIAL BEAUTY QUEEN

On the other hand, proud parents sina Alfred at Yasmine dahil mababait ang kanilang mga anak na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra.

Continue reading below ↓
Alfred Vargas and Yasmine Espiritu with daughters Alexandra and Aryana
 IMAGE Jojo Gabinete

Inihahanda na ni Alfred ang sarili dahil kahit seven years old pa lang ang anak na bunso nila ni Yasmine, may nagsabi sa kanyang potential beauty queen si Aryana.

This early, may humihingi na ng permiso ni Alfred para ang grupo nila ang maging mentor ni Aryana dahil malaki umano ang potensiyal nitong maging beauty queen kapag nagdalaga.

Incidentally, papasa nang events planner ang misis ni Alfred dahil kahit seven months pregnant ito, hands on siya sa paghahanda para sa birthday celebration ni Aryana.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Idea ni Yasmine ang impressive decorations at design ng party venue, siya ang personal na pumili sa lahat ng mga performer, magician, pagkain, at party favors.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete
 IMAGE Jojo Gabinete
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results